MERALCO BILL

Di kagaya ng height ko, tumaas nanaman ang kuryente. Anakngkinapongermitanyongkuba! Imba talaga yang MERALCO na yan! Ibang klase din talaga, walang kakupas kupas! At halos lumuwa yung 2 mata ko nang makita ko yung bill namin ng kuryente. Doble!
  • AKO: Hwag nyo bayaran yan! Sang wallet ng matrona ko kukunin yang pambayad jan?
  • SIS: Kuya mapuputulan tayo ng kuryente...
  • AKO: Wala akong pakeelam.. magprotesta ka sa tapat ng Meralco sa Bayan!
  • SIS: Di ka na makakapag-FACEBOOK kapag walang kuryente(taas kilay...)
  • AKO: O Sige bayaran mo. Eto pera. (masama ang loob) Nakakanis. Ampf!

Note:

Kung kagaya ko kayo na gwapong-gwapo masidhi ang pagtutol sa pagtaas ng kuryente pero walang magawa kundi magbayad... Click mo ITONG LINK NA TO. O kung ayaw mo i-click yan e HETO NA LANG, o kaya ITO... o kaya ITO...

Kahit ano dyan pwede pare-pareho lang naman lahat yan .. ^^

Sige. Hanggang sa muli. Paalam na muna.

STYLE...

Minsan, sa pila ng FX papuntang Tikling. Sa likod ng MegaMall....

KUMANDER: Mahal... may nak nak joke ako... (sabay ngiti)
AKO: O anu yun?
KUMANDER: nak nak.. excited sa joke nya.. halata...
AKO: Hus der?
KUMANDER: Civil War....
AKO:
Civil War hu?
KUMANDER: (kumanta gamit ang ubot ng lambing at magandang boses)
to the tune of manny villar's ad campaign...
Civilwar ang tunay na mahirap...
Civilwar ang tunay na may malasakit...
Civilwar ang may kakayanang gumawa ng sariling pangalan...


Hindi na Bago yung nak nak ni kumander. Pero bago ko lang narinig. Natawa ako. syempre dapat lang matawa ako kundi bugbog ako kay kumander kung poker face lang after ng joke nya haha.. love you mahal.

Pero di kagaya ng joke ni kumander, mas natawa din ako dun sa AD ni Col. Querubin sa TV kelan lang. Kasama nya si Villar, Kasi kung para talaga kay Querubin yung AD na yun e bakit 6 secs. lang ang kanyang exposure, kay Villar 20 secs.?

Tinanong ko si Col. Querubin kung anong masasabi nya sa exposure nya at heto ang kanyang statement...
"Opo, pinakulong nila ako...
Ampf! Hanggang jan na nga lang siguro ang kaya nyang gawin sabihin dahil nga.. Opo! nakakulong na nga sya!

"E opo nga nakakulong pa po ako! kaya maskot na lang muna.. proxy ika nga..."

Parang ewan lang kasi. Doon sa Senatoriables AD ng partido, tinanong sila kung kontra sila sa kasalukuyang administrasyon. At sa lahat ng isinagot nila eto lang pinaniwalaan ko (except kay BongBong at kay Lolo Satur na iboboto ko rin):

"OPO, dahil ayoko ng mandaraya!" .... sabi ni G. Remulla, na iboboto ko kasi ako ayoko din ng mandaraya..
Sa lahat ng sumagot kay Col. Querubin lang talaga ako natawa. Kasi sya lang ang nagsabi ng personal na galit. Na para bang dapat kitang iboto dahil you have something personal against sa administrasyon at hindi naman talaga para sa bayan kaya ka nasa oposisyon. Ampf! weird. Naniniwala ako sa ipinaglalaban ni Querubin pero i think yung gumawa ng commercial should have thought of a better line para naman hindi sya magmukang ewan kahelera ng ibang kapartido.

Ang gusto ko lang naman sabihin dito e kung di ko iboboto si Tito NoyNoy mas lalong hindi ko iboboto si Uncle Manny. Hindi ko nga alam kung talagang matutuwa ako dahil ayoko din kay Erap. Pero kahit papano mas kampante na akong naungusan na sya ni Lolo Erap na nasa 2nd position na ngayon. ewan. I just dont believe in him. Sabi ni Bossing malakas daw sya mamwersa. Ampf! Tsismis... :D

Hoy TUBIG!!!

Sabi ng PAGASA, El nino is expected to continue hanggang June 2010. So may dalawang nagbabagang buwan pa! ampf! Grabe na talaga ang init ng panahon. At dahil daw sa init na 'yan e dito nga sa'min bukod sa rotating brown-outs e may rotating pang schedule ng walang tubig dahil dahil dahil dahil at isa pang dahil kasi parang kaligayahan ko, mababaw na rin daw ang lamesa dam. (Hambabaw talaga nun kung ganun!) Pang asar lang di ba? Kumita tuloy sa'min si pareng orocan dahil napabili kami ng 2 malalaking drum ng para pagipunan ng tubig! lumen na lumen... wais na wais.

Pero kung akala namin nag-ala-"lumen" na kami sa pagka-"wais" .. hep hep hep! wag ka! hayun pala nagkamali pa rin kami ng asinta... Kasi sa nagdaang araw ni lata ng yakult hindi napuno sa sobrang ga-patak ng schedule di umano ng tubig. Malakas pa ihi ko sa tubig na na lumalabas sa gripo! Schedule ba yun? e totally wala ngang tubig e!

Anakkanamanngermitanyongkubangmaykulanisapwet!... Isa nanamang pangasar. Buti na lang hindi halatang hindi ako naligo nagpapa-deliver sila dito ng tubig. Kundi olats. mangangamoy keso nanaman si ronturon.

Pang-asar lang talaga!




***

Hindi kinaya ng mala-hostong pangangatawan ko ang masidhing init nitong nakaraang dalawang araw. Tila wa-epek na talaga ang immune system ko kaya naman heto ako basang basa sa ulan may trangkaso nanaman. Naisip ko lang na iba na talaga ang gwapo nagkakaedad. Mahina na ang katawan. Ampf!


***

naalala ko lang yung lumang joke about kay Lumen:

Si lumen wais! Imbis na condom ang bilhin, plastik ng ice candy ang ginamit! Sing tibay pero di rin sing mahal! Yan ang wais!

Sorry

Sa maikling panahong ginugol ng gwapong manunulat na 'to ko dito sa masayang mundo ng pagsusulat a.k.a. blogging, madami akong naranasang mga bagay. Hindi lahat masaya. Maraming kalunoslunos at totoo namang hindi ko talaga ikinatutuwa. Doon, sa nilisan kong munting tahanan, marami akong natutunan. Hindi ko sana iiwan kung hindi ko lang gustong magbagong buhay. Napamahal na din kasi sakin ang bahay ko don at ang mga taong bumibisita pero OO, Tama, gusto ko na ng bagong buhay. kaya kinailangang lumisan. Pero kapalit ng bagong buhay na hinahangad ay ang mala-ampalayang kahapong kailan may siguro hindi ko na malilimutan.

Pero di ko na 'yan babanggitin pa. Its all water under the bridge 'ika nga.

Ang mahalaga kasi ay hindi ang nakaraan kundi ang ngayon at ang panahong darating pa.

Kasabay ng pagbangong muli ay ang pagasang magiging maganda ang bukas. Pero kahit sabi ni Kuya Rey na malayo pa ang umaga, pilit ko itong pinapanalangin na sana mapatawad ako ng mga taong nagawan ko ng di magagandang bagay.

Alam nyo kung sino-sino kayo at kung anong mga kagaguhang nagawa ko. Nagpadala kasi ako sa kahinaan. Tao lang palage kong sinasabi. OO tao lang. Di ba? ako'y tao lang na nadadarang at natutukso din?....

Patawad. It all ends here.

SICK

Tapos na ang mahal na araw(S) linggo... at lunes na lunes hindi ako nakapasok sa trabaho. may sakit kasi ako. Monday sickness... in short katamaran.

Pero totoo. May sakit ako kaninang umaga. Masakit ang ulo at di makabangon sa kama. panu may 2 kulaning nagmumura sa ilalim ng panga ko. kahapon isa lang syang nagpapakasaya pero di ata nakuntento at nanghikayat pa ng isa. kaya 2 na sila ngayon. Sila ang kalaban ng walang kwenta kong immune system sa ansarap bigyan ng magasawang sampal sabay pompyang dahil di ginagawang proteksyonan ang mala-hosto kong katawan.

Namamaga. masakit. o hindeh! Ganito na nga talaga yata kapag tumatanda. Rumurupok ang katawan at tila madali nang dapuan ng kung anu anong karamdaman.

Magpapacheck up na ko bukas kung saka-sakaling hindi pa sila titino.

Moron!

Base! *tsaraaan!!*

Una na ko sa site url na to. Beh! sorry na lang pero ako nakauna!
*proud effect as if naman may mga nilalang pa sa mundong ibabaw na gusto ng address na to*

Hindi na ko bagong blogger. Bago ang lahat ... luma na ko. kasing tanda ng mga linya at jokes ko na di na bumibenta at sadyang nilalangaw na. Dati akong naghasik ng sandamakmak na kalokohan dun sa iniwan kong circle of prends. Pinili kong iwanan ang aking munting tahanan don dahil sa aking palagay mas makakapag-sulat ako ng maayos kapag walang nakakakilala sa gwapong pagmumuka. ehem...

OO. gwapo ako sabi ng nanay ko. Wag ka na kumontra dahil baka upakan lang kita. suntukan na lang!?! ehehe.. pero ang totoo mabait ako kapag tulog. Mapagmahal sa kapwa at matulungin sa mahihirap parang linya ng congressman namin dito na walang ginawa kundi mangurakot lang naman. Yun nga lang ... moron.

ehem ehem.. magpi-feeling genius lang ako at sasabihing ang ibig sabihin ng MORON ay:

mo·ron[mawr-on, mohr-]

(noun)
1. a person who is notably stupid or lacking in good judgment.
2.Psychology. a person of borderline intelligence in a former classification of mental retardation, having an intelligence quotient of 50 to 69.

kung akala mo alam ko definition nyan talaga nagkakamali ka.. si pareng dictionary ang may sabi nyan. At sabi naman ng magaling kong kapatid unang stage daw ang pagiging moron ng mental retardation na kung saan humahantong sa final stage na profound retardation.

Buti na lang moron lang. whew...

At ngayon hayaan nyong ubusin at sayangin ko ang mga oras nyo sa pagbabasa ng mga walang kwentang desisyon ko sa buhay...

hanggang sa muli.